Showbiz News

WATCH: Max Collins to Mikael Daez, 'Magpakasal na kayo'

By Cara Emmeline Garcia

Inamin ni Max Collins na minsan ay binibiro niya ang kaniyang katrabaho na si Mikael Daez na magpakasal na sila ng kaniyang longtime girlfriend na si Megan Young.

Max Collins and Mikael Daez

Magkasama ang dalawang Kapuso actor sa bagong programa ng GMA Network na Alex and Amie.

Habang nasa set, pabirong pinapayuhan daw ni Max si Mikael na magpakasal na dahil masarap daw ang mag-asawa.

“Magpakasal na kayo. Puwede na,” sabi ni Max.

Sagot kaagad ni MIkael, “Yun yung payo mo? So, dapat tularan ko kayo?

“Megan [Young], yun yung sabi niya.

“We'll see, we'll see.”

Samantala, sa kanilang bagong proyekto, inilarawan nina Mikael at Max na kakaibang karanasan ang gumawa ng show na may kasamang animation.

Ani ni Mikael, “Pinaguusapan nga namin [ni Max Collins] in-between scenes, 'Okay ba yung ginagawa natin?'

“Kasi, siyempre, nanibago kami.”

Dagdag ni Max, “May green screen and then maraming animation.

“So, it was really up to us to bring that life.”

Natutuwa rin ang dalawa na sila ang magkasama sa animation series lalo na't magkasama sila sa Bubble Gang at nagkasama na rin sa apat na drama series.

Alamin ang kuwento ng Alex and Amie at iba pang chika sa ulat ni Lhar Santiago:


Alex and Amie: Childhood BFFs | Teaser

IN PHOTOS: Mikael Daez and Max Collins team up for 'Alex and Amie'

Live-action animation series na 'Alex and Amie,' mapapanood na ngayong summer!