advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: The controversial Iwa Moto

2 of 17

Starstruck

Produckto si Iwa Moto ng ikatlong season ng reality artista search na StarStruck, kung saan nakuha niya ang titulong First Princess or first runner up ng kompetisyon. 

1 of 17

Iwa's Facebook photos

Kamakailan lang ay humingi ng tulong si Iwa sa mga netizens upang i-report ang isang tao na gumagamit ng kaniyang larawan sa Facebook

3 of 17

Shows

Matapos ang StarStruck, agad namang napanood si Iwa sa iba't ibang shows ng GMA tulad ng SOP Gigsters, Bitoy's Funniest Home Videos, at Bakekang.

advertisement
4 of 17

FHM

Nag-pose si Iwa sa unang men's magazine cover niya noong 2006.

5 of 17

Suspension

Minsan nang nasuspindi ng anim na linggo si Iwa at ang kapwa niya StarStruck alumna na si Jackie Rice dahil sa kanilang "pasaway" na asal. 

6 of 17

Lead role

Nakuha ni Iwa ang unang lead role nila sa Magic Kamison kasama sina Alfred Vargas at Nadine Samonte.

advertisement
7 of 17

Kontrabida

Unang kontrabida role naman ni Iwa si Moshi Moshi Manika sa Super Twins.

8 of 17

Break

Itinuturing naman na biggest acting break ni Iwa ang role niya bilang Rita Acuesta in the TV movie adaptation of "Kung Mahawi Man ang Ulap." 

9 of 17

Valentina

Isa naman sa pinakamalalaking role ni Iwa ay si Valentina sa 2009 GMA adaptation ng Darna.

advertisement
10 of 17

Married

Nagpakasal si Iwa sa kanyang boyfriend na si Mickey Ablan noong 2009 ngunit agad ding naghiwalay ang dalawa matapos ang isang taong pagsasama. Itinago ng dalawa ang kanilang relasyon hanggang 2012 kung kailan inaayos na nila ang kanilang annulment. 

11 of 17

Feud

2012 nang akusahan ni Iwa ang aktres na si Jodi Sta. Maria ng pagkakaroon ng relasyon kay Mickey habang kasal pa sa kanyang asawang si Pampi Lacson. 

12 of 17

Relationship

Dahil sa gusot na ito, nakilala ni Iwa ng personal si Pampi. Nagsimula ang kanilang relasyon noong 2012. 

advertisement
13 of 17

Contract

Sinampahan ng GMA Network si Iwa ng breach of contract noong 2012 dahil sa paglabas sa isang show ng ibang network habang hindi pa tapos ang kanyang kontrata sa GMA.

14 of 17

Daughter

Nagbunga ang relasyon nina Iwa at Pampi noong 2013 nang isinilang ang kanilang unang anak na si Hiromi. Pinadalhan naman ni Jodi si Iwa ng libro tungkol sa breastfeeding at agad na nagkaayos ang dalawa. 

15 of 17

Guestings

Nakikita pa rin si Iwa bilang guest sa ilang shows sa GMA. 

advertisement
16 of 17

Mom

Pero sa ngayon, hindi priority ni Iwa ang showbiz. Isa siyang full-time mom sa kanyang anak na si Hiromi.