Showbiz News

WATCH: Keith Thurman, titiyakin na 'di na muling makakapag-boxing si Manny Pacquiao

By Cara Emmeline Garcia

Sa unang pagkakataon nagkita ang Pambansang Kamao Manny Pacquiao at ang undefeated champion na si Keith Thurman sa New York na bahagi ng press tour para kanilang laban na gaganapin sa Hulyo 20 sa Las Vegas, Nevada.

Keith Thurman

Buong kumpyansang itataya ni Thurman ang kaniyang 29-0 record sa future hall of famer dahil sa edad na 40, nananatiling mapanganib si Manny sa loob ng ring.

Ayon kay Thurman, tityakin daw niyang 'di na muling makakapag-boxing si Pacquiao matapos ang laban nila sa Hulyo.

Aniya, “I'm doing a Manny Pacquiao, what he did to Oscar dela Joya. You can Google it if you want to, but Oscar never fought again.

“I believe that boxing has come to a new era, Floyd is gone and Manny is here. Come July 20th and he will disappear.”

Ang sagot ni Manny?

“I will not try to predict this fight but I will make sure that I am 100% conditioned and ready for the fight.”

Panoorin ang buong ulat ni Chino Trinidad:

WATCH: Manny Pacquiao, ganadong makaharap ang undefeated boxer na si Keith Thurman

WATCH: Manny Pacquiao, balik-ensayo para sa laban kontra kay Keith Thurman