Showbiz News

WATCH: Kantang 'Amatz' ni Shanti Dope, ipinapa-ban ng PDEA

By Cara Emmeline Garcia

Pinapa-ban ng Philippine Drug Enforcement Authority o PDEA ang kantang “Amatz” ng Pinoy rapper na si Shanti Dope.

Shanti Dope

Kung pagbabasehan daw kasi ang ilang lyrics, tila hinihikayat daw nito ang paggamit ng marijuana.

Ayon sa PDEA, nirerespeto nila ang mga musical artist pero tutol sila sa mga ganitong klaseng kanta.

Pahayag ni Director General Aaron Aquino ng PDEA, “We respect and appreciate our artists in the music industry.

“However, we strongly oppose the promotion of musical pieces or songs that encourage the recreational use of drugs like marijuana and shabu.

“It is contrary to our fight against illegal drugs.”

Inalmahan naman ito ng kampo ni Shanti Dope dahil dapat daw ay isinuri ng PDEA ang buong mensahe ng kanta sa halip na piliin lang ang ilang bahagi ng kanta.

Taliwas daw kasi sa interpretasyon ng government agency dahil tinatalakay pa ng kantang “Amatz” ang masamang epekto ng droga.

Pinapatawag ng MTRCB ang parehong kampo para maresolba ang isyu.

Panoorin ang buong ulat ni Luane Dy: