Showbiz News

'KMJS': Ang babaeng hindi tumatanda?

By Bianca Geli

Nauuso ngayon ang iba't ibang filter na puwedeng baguhin ang mga mukha sa litrato, puwede mag-mukhang babae, lalaki, o bata.

KMJS

Pero may isang dalaga mula sa Davao na mukhang bata kahit walang filter. Ang 14-anyos na si Alexandra Siang.

May hubog na ang katawan ng dalaga pero baby face pa rin. Umani ng iba't ibang reaksyon sa social media ang mga litrato dahil sa kaniyang pagiging mukhang bata para sa kaniyang edad.

Malimit daw talaga siyang mapagdudahan ng mga tao kapag nakikita siya.

Kuwento niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho, “Kailangan ko talaga 'yung ID ko kasi hindi sila naniniwala na 14-years-old na ako.”

“Dumating sa time na gusto ko na mag-stop sa school.

“Binabalewala ko lang naman sila kasi sabi rin nila Mama at Papa, mapapagod din sila sa kaka-bully sa akin.”

Kumalat din sa social media na may malubhang sakit daw si Alexandra, na ipinaliwanag naman ng kaniyang ina.

Kuwento ng ina ni Alexandra na si Jean, nagkaroon daw Stage 2 Langerhans Cell Histiocytosis si Alexandra noong ito'y sanggol pa lamang. “Hindi mo alam kung sa sunod na Christmas makasama mo pa 'yung anak mo. Takot na takot [ako]. Nag-pray ako, 'Lord, binigay mo siya sa akin, sana 'wag mo munang kunin.'”

Pitong buwan pa lamang daw noon si Alexandra noong sumailalim ito sa chemotherapy.

Binalaan din daw si Jean ng doctor noon na ang mga gamot na ibinigay kay Alexandra ay puwedeng makaapekto sa kaniyang pagiisip o paglaki.

“Cancer survivor na po ako ngayon,” masayang ibinalita ni Alexandra.

Pero palaisipan pa rin kung bakit parang hindi siya tumatanda.

Sinamahan ng KMJS si Alexandra na magpasuri sa isang doctor para malaman ang kondisyon ni Alexandra.

Panoorin ang resulta sa KMJS: