Showbiz News

Veteran comedian Gary Lising, pumanaw na sa edad na 78

By Jansen Ramos

Pumanaw na ang komedyanteng si Gary Lising ngayong araw, June 1, sa edad na 78 taong gulang.

Gary Lising / Source: Gary Lising (FB)

Malungkot itong ibinalita ng kanyang kapatid na si Pompeii Lising sa isang Facebook post.

"I am sad to inform some terrible news.

"We lost our beloved Gary Lising, my eldest brother, today," sulat niya.

Mensahe ni Pompeii, "Gary, thank you for all the laughs and love, we will miss you deeply.

"But I know that your jokes will make God laugh.

"Rest In Peace my dear brother..."

Ayon sa reports, natagpuang walang malay si Gary sa kanyang condo unit kahapon, May 31.

Sa isang tagged post sa Facebook, ibinahagi ng aktor at direktor na si Jun Urbano ang kanyang huling alaala kay Gary.

"Kailan lang nag treat si Noel ng lunch, 'di namin alam na 'yon na pala ang huling lunch namin with Gary.

"Nag paalam na po ang kaibigan nating si Gary Lising.

"Sa langit naman daw siya magpapatawa.

"Bless his soul!"

Maaalalang nagkaroon ng cardiac arrest si Gary noong 2009 at sumailalim sa angioplasty noong 2012.

Nakilala ang beteranong aktor sa classic gag show na Champoy noong '80s.