Showbiz News

WATCH: Sanya Lopez, nagulat sa pagkapanalo sa 35th PMPC Star Awards for Movies

By Cara Emmeline Garcia

Ikinagulat ni Dahil Sa Pag-ibig star Sanya Lopez ang pagkapanalo niya bilang New Movie Actress of the Year sa naganap na 35th PMPC Star Awards for Movies.

Laking pasasalamat ng aktres sa kaniyang fans lalung-lalo na't bigatin daw ang mga pangalang nakalaban niya para sa award.

Aniya, “Sobrang nakakagulat at nakakatuwa kasi 'di ko rin naman in-expect lahat ng nangyayari ngayon.

“And thankful ako! Maraming salamat po! Salamat sa lahat ng naniwala sa akin.”

Panoorin ang ulat ni Luane Dy:

LOOK: Sanya Lopez and Cherie Gil win big at the 35th PMPC Star Awards for Movies