Showbiz News

Alfred Vargas, papasok sa pulitika?

Nakausap ng Chika Minute si Alfred Vargas tungkol sa mga plano niya at mga pinagkakaabalahan. And it seems he has everything to look forward to and nothing to be worried about insofar as his career is progressing. Ngayong busy si Alfred sa kanyang current Dramarama show na Una Kang Naging Akin at may uumpisahan din na isa pang primetime soap opera sa GMA, hindi pa rin maiwasan ang tanong kung papasok siya sa pulitika sa 2010. "Totoo, maraming offers and marami nang nag express na handa sila sumuporta. Ako naman matagal pa 'yan—2010 pa 'yan. Sa ngayon gusto ko munang mag-concentrate sa acting," sagot ni Alfred sa balitang sa Quezon City na siya tatakbo bilang councilor imbes na sa Bulacan. Pero ini-insist niya na mayroon din siyang ibang priority bukod dito, at iyon ang kanyang pag-aaral. Paliwanag niya, "Actually, pinapag-isipan ko pa kung ipa-prioritize ko muna yung pag-aaral ko. Kasi itu-tuloy ko 'yung masters ko soon. So titingnan ko muna kung kaya ko talaga balansehin. Pero ando-doon 'yun, tinganan natin kung papaano ako mag-dedecide in due time." And, of course, with his career going well, hindi rin maiwasan tanungin ang tungkol sa rumored relationship with Startruck alumna Jana Roxas. Iniwasan niyang ikumpirma kung sila na talaga, pero inamin din niya na masaya siya sa takbo ng kanyang love life ngayon, at gusto niya muna gawin itong private: "Choice ko na lang 'yun na gawin munang private. Kasi para hindi nalang muna magulo. Tutal masaya naman and para ma-take advantage muna namin yung time namin together." - Text by Erick Mataverde. Interview excerpt from Chika Minute. Photos by Mitch S. Mauricio. Panoorin ang Chika Minute video! Learn more and discuss what's up with Alfred Vargas and his other projects by logging on to the iGMAForums! Not yet a member? Register here!