Showbiz News

Multi-awarded radio host Ali Sotto, hindi pumasa dati sa audition maging newscaster

By Aedrianne Acar

Lingid sa alam ng marami na bago sumikat bilang isang recording artist at aktres si Ali Sotto ay pinagarap niya maging isang TV news personality.

Ali Sotto

Kapuso news personalities honored in this year's Rotary Club of Manila Journalism Awards

Dobol B sa News TV now airs Mondays to Sundays

Sa panel interview na ginanap para sa grand media conference ng Dobol B sa News TV ngayong Huwebes ng hapon (June 13), ikinuweto ni Ali na hindi siya pumasa noon nang mag-audition siya bilang isang newscaster.

Kuwento ni Ali, “You know it's a little known fact that when I was 17 or 18, I auditioned as a newscaster tapos ang sabi sa akin 'don't call us, we will call you' and they never called.

“So bata pa lang ako gusto ko ng News and Public Affairs nalihis lang ako sa singing as a recording artist tapos naging artista ako sa film and TV, naging impersonator ako ni Imelda.

“Naging host ako ng mga talk shows bago ako nalinya sa mga public affairs shows and then finally I ended up in News and Public Affairs several decades later.”

Naniniwala din ang DZBB Super Radyo host na 'meant to be' ang pagiging radio broadcaster niya ngayon.

“I am where I initially wanted to be. Considering nga lang graduate ako ng Communications Arts sa University of Santo Tomas and I put to good use 'yung two years ko sa Ateneo College of Law.”

“I guess life has a funny way of putting you where God wants you to be so lahat naman ng taon ko that I spent in entertainment, gamit ko pa rin ngayon.”

Bumuhos din ang biyaya para kay Ali sa sunod-sunod na awards at recognitions na kanyang nataggap.

Isa na dito ay nang kilalanin siya ng Rotary Club of Manila bilang Radio Female Broadcaster of the Year.

Ayon kay Ali, sulit ang hirap at pagod na binibigay niya sa kanyang trabaho sa nakalipas na taon sa mga nakuha niyang pagkilala.

“So I am now finally where I want to be. And the recent spate of awards from the Rotary Club of Manila, 'yung Journalism Awards nila, 'yung Dr. Jose R. Perez Memorial Award sa FAMAS, and then the Gandingan Award,

“It's really been a good past year for me. It's so validating na finally nakikita naman pala 'yung trabaho na pinupuhunan mo kada umaga, bago ka sumalang."