Showbiz News

WATCH: Kaanak at kaibigan ni Eddie Garcia, nagtipon sa healing mass para sa beteranong aktor

By Marah Ruiz

Isang healing mass ang idinaos kahapon, June 14, para sa beteranong aktor na si Eddie Garcia sa Saint Andrew the Apostle Parish sa Bel Air, Makati.

Eddie Garcia


Dinaluhan ito ng kanyang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan na sama-samang nagdasal para ipanalangin ang pagbuti ng kalagayan ng aktor.

Ayon sa latest medical bulletin mula sa Makati Medical Center, nasa comatose state pa rin si Manoy Eddie.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras: