Showbiz News

WATCH: 17-year-old son ni Isko Moreno na si Joaquin, pinasok na rin ang pag-aartista

By Cara Emmeline Garcia

Tila nais sundan ang mga yapak ng kaniyang amang si Isko Moreno kaya pinasok na ni Joaquin “JD” Domagoso ang pag-aartista.

Joaquin “JD” Domagoso

Si JD ang 17-year-old son ni Manila City mayor-elect Isko Moreno, na maalalang naging matinee idol noong '90s. Isa rin siya sa mga artistang galing sa variety show na That's Entertainment kasama ang late host na si German Moreno.

Sa kanyang unang sabak sa showbiz, lalabas si JD sa weekly show na Studio 7, kung saan determinado siyang ipakita ang kaniyang galing sa larangan na nagbigay ng pangalan sa kaniyang ama.

“It's more of like, I'm putting effort into this experience and I'm having fun,” aniya.

“Then hopefully, to more and more projects so I would be able to do more.

“I think I'm more mentally and skillfully prepared thanks to the workshops.”

IN PHOTOS: Isko Moreno's gwapong anak, Joaquin Domagoso

May bilin kaya ang papa niya ngayong pumasok na siya sa show business?

Sagot ni JD, “He always says to just listen.

“Listen to your co-actress or co-actors. Listen to your manager of course, because you have to listen to him to do well.”

Panoorin ang buong chika ni Lhar Santiago:

Sunday PinaSaya: Isko Moreno at JD Domagoso, bumisita sa 'Star Buzz'