Showbiz News

Eddie Garcia's death sends celebrities into mourning

By Nherz Almo

Lubos na nagluluksa ang Philippines showbiz sa pagpanaw ng multi-awarded actor-director na si Eddie Garcia ngayon, June 20.

Ilang sandali matapos lumabas ang medical bulletin na nagkukumpirma ng kanyang pagkamatay, bumuhos ang mga mensahe ng pagdadalamhati mula sa mga kaibigan at mga nakatrabahong artista ng veteran actor.

“My heart is broken,” ani Megastar Sharon Cuneta tungkol sa kanyang naging unang 'daddy' sa showbiz.

Sinabi rin niya, “Maraming salamat po, Mr. Eddie Garcia.

“Walang sinuman sa showbiz ngayon o kahit sa mga ipanganganak pa ang puedeng umupo sa tronong iniwan ninyo.”

Bukod sa pagiging co-star, si Eddie rin ang nagsilbing director na ilang mga naunang pelikula ni Sharon.

Halos ganito rin ang sinabi ni Bela Padilla para sa kanyang pagbibigay-pugay sa pumanaw na aktor.

Aniya, “We lost an icon today. This is truly heartbreaking.”

Tila nakiisa naman daw ang panahon sa pagdadalamhati, ayon kina Maine Mendoza at Jasmine Curtis-Smith.

“TRULY A LEGEND!” naman ang pagsasalarawan ni Paulo Avelino kay Eddie, na kilala sa bilang 'Manoy' sa showbiz.

Narito ang ilang pang mga mensahe ng pagdadalamhati ng mga artista at ilang pang personalidad sa showbiz: