Showbiz News

Sharon Cuneta, sinagot ang lalaking nagbantang gagahasain niya si Frankie Pangilinan

By Dianara Alegre

Muling dinepensahan ni Megastar Sharon Cuneta ang anak niyang si Frankie Pangilinan mula sa isang Sonny Alcos na nagsabing gagahasain niya ang dalaga.

Binuweltahan ni Sharon ang kritiko ni Frankie sa pamamagitan ng isang mahabang post sa Instagram, nitong Sabado, June 20.

Pahayag ni Sonny Alcos, “Pasalamat ka iha, kung ang edad ko 12 years, magtago ka na sa tatay mong Senador Kiko Matsing Pangilinan dahil hahanapin kita para gahasain. Tapos sisihin mo tatay mo dahil hindi ako makukulong."

Frankie Pangilinan: 'The way anyone dresses should not be deemed as opportunity to sexually assault them'

Galit itong sinagot ng singer, aniya, “What an a**h**e of a father. Considering may anak kayong babae. Oo alam namin. At anuman ang pambabastos ng isang tunay na hayop na tulad mo sa asawa ko at lalung-lalo na sa anak kong dalaga, ay pagpapatunay lamang na may mga demonyong nasa mundo na tulad mo.

“Kaya tama ang ginagawa ng anak kong disente at matalino. Pinagmamalaki mo pang Duterte supporter ka, gano'n ba? Alam mo bang kahihiyan ka sa Pangulo?”

Ipinaliwanag din ni Sharon ang Juvenile Justice Law sa kanya.

“At para sa kaalaman ng isang bobong katulad mo, ang Juvenile Justice Law ay hindi para hindi parusahan ang mga kabataang may krimen kundi kung seryoso ang offense ay pananagutan pa rin ngunit ihiwalay sila sa mga hardened criminals na maaaring abusuhin naman sila - at managot sa isang prosesong angkop sa kanilang pagiging menor de edad!

“Ayon sa batas kung serious offense, minimum isang taon pa rin silang kulong at maaaring mas matagal. Bago kasi mamintas ng batas na gawa ng senador, aralin muna,” dagdag pa niya.

Sharon Cuneta, Kiko Pangilinan defend daughter Frankie from Ben Tulfo

Sharon Cuneta is proud of Frankie Pangilinan's unshakable stand on rape

Hindi na rin napigil ni Sharon na magalit at maanghang na pinagalitan ang basher.

“(Sorry po mga Sharonians but this monkey crossed the line.) BOBO. TANGA. HIGIT SA LAHAT, WALA KANG TAKOT SA DIYOS!

“Ang kapal ng pagmumukha mong patulan ang issue at pagsalitaan ng ganito ang anak ko! Tayong dalawa ang magharap - 'di ko man lang iistorbohin ang asawa kong humarap sayo - tutal baka magmukha kang aso 'pag ako nakaharap mo!”

Siniguro rin ni Megastar na mananagot sa siya sa batas dahil sa pambabastos nito kay Frankie.

“'Di kita uurungan. Hindi mo ako kilala 'pag anak ko na ang binastos mo. O, bakit tinanggal mo na ang lahat ng social media accounts mo at pinalitan mo pati pictures?

“We are now verifying our leads to your employers. Wow kung pwede lang liparin!

“I will personally make sure this kababuyan you have posted to disrespect my daughter in this despicable, malicious and insidious way will be of great interest to them. I am also forwarding this to Sec. Meynard Guevarra who has been my friend and lawyer since 1992.

“Hahanapin kita. I. Will. Find. You.

“You face me, you coward. Duwag. Tandaan mo kung sino ako. Nanay ni KC, Frankie, Miel, at Miguel. You crossed the line. God help me and the law! God help you when I find you. Hindi kita patatahimikin. Tandaan mo ito: Ako ay anak ni Pablo P. Cuneta. Mali ang binangga mo, demonyo ka.”

Nakarating na rin ito kay Frankie at galit din niya itong sinagot.

Frankie Pangilinan to netizens: "My personal convictions don't reflect the rest of my family's views"

Matatandaang naging sentro ng diskusyon ang palitan ng pananaw nina Frankier at Ben Tulfo tungkol isyu ng pananamit ng mga kababaihan at rape culture sa bansa.