Showbiz News

READ: David Licauco tells how he relates to his character in 'Because I Love You'

By Nherz Almo

Malaki raw ang pagkakatulad ni David Licauco at ng karakter na kanyang gagampanan sa pelikulang Because I Love You.

David Licauco

Sa ginanap na bloggers conference ng pelikulang pagbibidahan ni David at Shaira Diaz, inilarawan ng una ang mga katangian ng karakter niyang si Rael.

Aniya, “He's often misjudged by everyone dahil sa looks niya, sa family niya dahil mayaman sila.

“Pero, actually, all he wants is to be loved and to be cared about.

“Gusto lang talaga na tanggapin siya, na ganun lang talaga siya as a person.”

Ganito rin daw si David sa totoong buhay.

“Ako, I can relate to him in the sense na I'm often misjudged din.

“Siguro marami kayong naririnig tungkol sa akin sa start [ng career ko], na ang yabang ko, siga, ganun,” sabi ng Kapuso chinito heartthrob.

Pero agad niyang depensa, “Siguro upbringing ko lang talaga 'yon.

“If you ask my parents, friendly talaga ako, medyo nahihiya lang talaga ako kasi I don't wanna act like, 'Big star ako!'

“Kapag super-friendly naman, parang feeling ko baka isipin nila na feeling artista ako.

“Yun ang iniiwasan ko kaya siguro minsan nata-typecast ako na mayabang.

“Pero siguro mahiyain lang talaga ako.”

Tinanong GMANetwork.com kung ano ang naramdaman niya nang malaman ang tungkol sa impression sa kanya ng mga tao noon.

Sagot niya, “Siguro at the start, I was hurt.

“But if you get the hang of it, and alam mo sa sarili mo na you're not like that…

“My high school friends, my college friends, my real friends know me, na I'm not like that, na I'm a friendly person, okey akong tao.

“So, who cares, di ba? Ano naman ang pakialam ko.”

Pero nilinaw rin niya na hindi niya ito basta ipinagsawalang-bahala.

Pahayag niya, “Siyempre, I'm in showbiz. Let's face it, sa showbiz kailangan mo talagang maging friendly kasi maraming magagalit sa 'yo.

“Feeling ko kahit hindi naman sa showbiz, kung nasa accounting job or doctor ka, kailangan mo talagang nice, e.

“Siguro kailangan ko nang i-accept na nasa working commitment na ako.

“Kailangan ko nang gawin 'yung mga ganung bagay, to step out of my comfort zone and be nice to everyone.”

Nang tanungin kung ano na ang mga binago niya sa sarili para maiba ang kanyang imahe, sagot ni David, “I'm trying to smile more. Hindi naman sa plastik, pero feeling ko naman kasi kapag nag-i-smile more ka kasi mas nila-love ka ng mga tao.”

Ganito rin kaya ang mangyayari kay Yael sa Because I Love You?

Panoorin ang unang pagtatambal nina David at Shaira sa pelikula simula sa Miyerkules, June 26.