Showbiz News

WATCH: Alamin ang dream role ni Solenn Heussaff

By Cara Emmeline Garcia

Mahilig sa challenges si Kapuso actress and Love You Two star Solenn Heussaff.

Solenn Heussaff

Sa katunayan, pilit niyang niri-reinvent ang kaniyang sarili para malaman ang kaniyang kakayahan 'di lamang sa pag-exercise kundi pati na rin sa pag-arte.

Kaya naman ang dream role ni Solenn ay bumida sa isang action film.

“I've always loved action from the start,” pahayag nito.

“Tapos ngayon naman lumalabas 'yung mga girls na, 'kung kaya ng boys kaya rin ng girls.'”

Dahil diyan, masaya si Solenn na tumampok sa isang endorsement shoot na nagpapakita ng kaniyang galing sa action stunts.

Bukod sa usual cardio at high intensity training, kumuha pa siya ng extra classes ng arnis para paghandaan ang kaniyang “grittiest” and “bravest” role yet.

WATCH: Solenn sports kick-ass arnis stunts in new project

Sa ngayon, busy rin si Solenn sa pagganap sa hit-rating series na Love You Two kasama sina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado.

At dagdag pa niya, maraming sikreto ang mabubunyag kaya dapat itong patuloy na panoorin ng mga manonood sa mga darating na araw.

Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan:

WATCH: Solenn Heussaff, makikigulo sa riot na love triangle sa 'Love You Two'

WATCH: 'Love You Two' stars, tinawanan ang kanilang old makeup looks and OOTDs