Showbiz News

WATCH: Derek Ramsay, nag-sorry kay 'The Better Woman' co-star Andrea Torres sa pagkakadawit sa breakup issue

By Marah Ruiz

Dahil sa ipinamalas ng chemistry nina The Better Woman lead stars Derek Ramsay at Andrea Torres, marami tuloy nag-akala na tumawid na from reel to real ang kanilang relasyon.

Derek Ramsay at Andrea Torres


Lalo pa itong pinaigting ng recent breakup ni Derek at ng kanyang longtime girlfriend na si Joanne Villablanca.

Giit ni Derek, walang kinalaman si Andrea sa paghihiwalay nila ng kanyang nobya. Sa katunayan, humingi pa siya ng dispensa sa aktres dahil sa pagkakadawit nito sa isyu.

"I did talk to her though. I apologized. Nahihiya ako kasi nadadamay siya relationship ko 'di ba? That's my relationship and they're bringing her into it," pahayag ni Derek.

Nilinaw din niya na walang third party na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

"It was just the same thing that could never be resolved. Selos? No. Jo has never even really given me [issues with the job]. I have to give her that. With work, she's never been the jealous type with leading ladies," aniya.

Samantala, hindi na rin daw nagpapa-apekto si Andrea sa mga isyung ibinabato sa kanya.

"Hindi naman po [ako affected]. Parang in-expect ko na rin kasi nga grabe 'yung mga eksena namin. Tapos pareho pang in love 'yung character ko sa character niya. Hindi ko na rin dinamdam," pahayag niya.

Magsisimula na ang kanilang serye na The Better Woman ngayong July 1, pagkatapos ng Sahaya sa GMA Telebabad.

Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras: