Showbiz News

WATCH: Cast ng 'Kara Mia,' magkahalo ang lungkot at saya sa pagtatapos ng serye

By Marah Ruiz

Bittersweet para sa cast ng GMA Telebabad series na Kara Mia ang pagtatapos ng kanilang serye.

Paul Salas, Jak Roberto, Mika dela Cruz, at Barbie Forteza


Proud naman daw ang lead star nitong si Barbie Forteza sa mga na-achieve ng kanilang show.

"Bukod sa separation anxiety, mas proud ako kasi nga nasimulan namin, na-survive namin," pahayag ni Barbie.

Mami-miss naman daw ni Jak Roberto na katrabaho ang kanyang co-star na si Paul Salas.

"Kami ni Paul 'yung laging magkasama sa tent. Nagkukuwentuhan ng kung anu-ano--mga boys talk, basketball din every other week. 'Yung pagiging close namin ni paul, malapit nang mag-selos si Barbie," ani Jak.

Samantala, may inihahanda ding paandar si Mika dela Cruz para sa naging fans ng serye.

"Memories, videos, mga kalokohan namin sa set. Saka may inaayos ako na vlog," aniya.

Simula Lunes, July 1, mas maaga nang mapapanood sa GMA Telebabad ang Sahaya. Magsisimula na rin ang hottest primetime drama sa bansa na The Better Woman.

Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras: