Showbiz News

WATCH: Ano ang dahilan ng pagkawala ng SexBomb Dancers sa 'Eat Bulaga'?

By Aedrianne Acar

Sino ang makalilimot sanaggagandahan at nagseseksihan na dancers noon sa Eat Bulaga! na SexmBomb Girls?

Taong 1999 nang unang napanood ang original SexBomb Dancers sa longest-running noontime show ng bansa.

Sumikat pa nang husto ang grupo, nagkaroon ng hit albums, at nabigyan ng afternoon series na Daisy Siete, na tumagal nang pitong taon.

Pero bakit nawala ang SexBomb Girls sa Eat Bulaga! noong 2006?

Sa panayam ng Tunay na Buhay kay Aira Bermudez, ipinaliwanag niya kung bakit hindi na napanood ang kanilang grupo sa Kapuso noontime show.

Isa raw sa dahilan ang pagkakaroon ng iba-ibang plano na sa buhay ang ilang members.

Saad ni Aira, "Kay Miss Joy Cancio, medyo bumagsak that time.

“Siyempre, na-depress, 'tapos yung mga ibang SexBomb, iba na yung gusto.

“Iyong ibang SexBomb nag-business, yung iba family.”

“Parang wala na siyang SexBomb; Si Mia, ako, kami-kami na lang.

“'Tapos na-depress na nga siya, tapos ina-out niya na. Parang na-hang lang kami."

Sa episode ng Tunay na Buhay na ipinalabas noong Miyerkules, July 3, tinalakay kung paano nagsimula ang dancing career ni Aira o Eiraliz Bermudez sa totoong buhay.

Isa mga nakapanayam ng programa, ang dating SexBomb Dancers na sina Mia Pangyarihan at Che-che Tolentino.

Pinuri ni Mia ang professionalism at dedication ni Aira sa trabaho.

Wika niya, “Pagdating sa trabaho sobrang professional, wala kang masasabi. Sa kanya ko natutunan yung pagsasayaw.

“Kung gaano siya ka-dedicated sa sayaw, pag-aralan, linisin, lahat sa kanya ko natutunan yun.”

Samantala, tinawag naman ni SexBomb Cheche na 'unselfish' ang dating kasamahan sa SexBomb.

Aniya, “Si Ate Aira makulit yun, maligalig, cowboy, masayahin hindi siya selfish.”

WATCH: Aira Bermudez, ibinahagi kung paano na-discover bilang SexBomb dancer

Panoorin ang buong episode ng Tunay na Buhay: