Showbiz News

WATCH: Heart Evangelista, masayang nakatulong sa isang local street painter sa Iloilo

By Cara Emmeline Garcia

Sa isang tweet noong June 25, nanawagan si Kapuso actress Heart Evangelista sa kaniyang mga followers na tulungan siyang hanapin ang local painter sa Jaro, Iloilo na nagngangalang Larry Casinao.

Heart Evangelista

Sa interview ni Nelson Canlas, naantig raw ang StarStruck judge sa kwento ni Mang Larry kaya gusto niyang tulungan ito.

Binebenta kasi ng pintor ang kaniyang mga obra sa kalye para ilaan sa treatment ng kaniyang asawang may sakit sa kidney.

Saad ni Heart, “I really wanted to help or do something for him a little bit.

“So it was really nice that everyone on Twitter helped me find him.”

Nakausap na raw ni Heart si Mang Larry at gusto raw ng aktres na makilala nang personal ang pintor.

Ngayon, ang dating nasa lansangan na mga obra ni Mang Larry ay permanenteng nang nakapwesto sa isang mall sa distrito ng Mandurriao, Iloilo.

“I'm just very happy to get a few of his paintings and I really wanted to gift them to special people on Christmas,” dagdag ni Heart.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas:

LOOK: Heart Evangelista to build animal welfare facility in Sorsogon

WATCH: Heart Evangelista recalls some of her Paris Fashion Week 2019 highlights