Showbiz News

Lovely Abella at Kakai Bautista, nasaksihan ang kabutihang loob ni Alden Richards

By Aaron Brennt Eusebio

Nasaksihan nina Lovely Abella at Kakai Bautista ang kabutihang loob ng kanilang co-star na si Alden Richards sa kanilang pananatili sa Hong Kong para sa pelikulang Hello, Love, Goodbye.

Kakai Bautista at Lovely Abella


Sa media conference ng Hello, Love, Goodbye, ikinuwento ni Lovely kung paano siya in-invite ni Kathryn Bernardo mag-workout at kung paano siya binigyan ng tulong ni Alden.

IN PHOTOS: At the press conference of Alden Richards-starrer 'Hello, Love, Goodbye'

Kuwento ni Lovely, "In-invite ako ni Kath mag-workout, cycling-cycling daw. E, never pa po nararanasan ni Lovely na mag-cycling.

“Eto na, nilapitan ko si Alden. Sabi ko, 'Ga, nag-i-imbita si Kath na mag-cycling. Kaya lang ga mahal! 295 Hong Kong Dollars.'"

Ayon kay Lovely, sumagot si Alden at sinabing, "Ay, ga! Sumama ka, bonding niyo yan. Ito ga, 500 Hong Kong Dollars."

Dagdag pa ni Lovely, niyaya niya ang kaniyang co-star na si Kakai Bautista dahil may sobra pa sa binigay na pera ni Alden.

Sambit naman ni Kakai, "Hindi ko na kaya, 40 na ako. Ang hirap-hirap ng spinning, 'tsaka nagtitipid tayo, Ga."

Sabi naman ni Lovely, "May binigay na pera si Alden! Dagdagan mo na lang ng 100 Hong Kong Dollars."

Lovely Abella shares workout photos with Alden Richards in Hong Kong

Sa Hello, Love, Goobye, gagampanan ni Alden ang karakter ni Ethan, isang OFW sa Hong Kong.

Pagtatagpuin sila ng karakter ni Kathryn Bernardo na si Joy, na isang baguhang OFW.

OFW din sa Hong Kong ang role nina Lovely at Kakai kasama si Mamay Entrata.

Kasama rin nila sina Jeffrey Tam, Joross Gamboa, at Jameson Blake sa Hello, Love, Goodbye.

Mapapanood na sa mga sinehan ang Hello, Love, Goodbye simula July 31.