Showbiz News

WATCH: Alden Richards, maraming natutunan sa shooting ng bagong pelikula

By Cara Emmeline Garcia

Kababalik lang ni Pambansang Bae Alden Richards mula Hong Kong kung saan nila kinukuhanan ang pelikulang, “Hello, Love, Goodbye.”

Alden Richards

Kasama niya rito sina Kathryn Bernardo, Joross Gamboa, Kakai Bautista, at Lovely Abella.

Ayon sa Pambansang Bae, puspusan daw ang kanilang trabaho doon at na-challenge siya sa mga bagong katrabaho.

“Everyday you learn something new.

“Of course coming from new people, especially with the likes of Direk Cathy Garcia-Molina, mas nadadagdagan pa ang kaalaman ko sa pag-arte.”

EXCLUSIVE: Alden Richards welcomes the challenges posed by new movie role

Sa pelikula, gaganap si Alden bilang isang OFW na bartender at waiter.

At para mas makatotohanan ang kaniyang pagganap, minabuti niyang kilalanin ang mga Pinoy workers abroad.

“It adds to the portrayal of the role.

“Noong una kaming dumating doon, kami ni Kat [Bernardo] nag-immerse kami.

“Talagang nag-bartend kami at saka siya nag waitress for a night sa isang bar.

“Kailangan mo talagang ramdamin kung ano ang pakiramdam to be like them.”

Panuorin ang buong ulat ni Nelson Canlas:

LOOK: Celebs support Alden Richards's new business venture