Showbiz News

WATCH: Michael V. on 'Family History': 'Expect the unexpected'

By Cara Emmeline Garcia

Malapit nang mapanood ang directorial debut ng multi-awarded comedian na si Michael V. na Family History.

Dito makakatambal niya si Dawn Zulueta at makakasama ang ilang Kapuso actors tulad nina Paolo Contis, Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Sa mga pahapyaw na trailer na ni-release ni Bitoy sa kaniyang Instagram, marami-rami ng netizens ang naeengganyong malaman ang laman at istorya ng pelikula.

Maraming nagsasabing ito ay “unexpected” at “unpredictable” kaya tunay nila itong pipilahan sa sinehan.


'Family History' trailer sparks interest online; netizens call it 'unpredictable'

Sa interview ni 24 Oras reporter Nelson Canlas, inamin ni Bitoy na sinadya niya ito para mas maudyok ang mga manonood.

“'Yun ang ano natin, 'yun ang ambisyon natin na gulatin sila, to expect the unexpected, na pagkatapos nilang manood na sulit 'ung panonood ko.”

Dagdag pa ng comedian, ang proyekto na ito ay puno ng puso.

Ang Family History ang unang proyekto ng MicTest Entertainment kasama ang GMA Pictures. Ito ay mapapanood nationwide sa darating na July 24.

Panoorin ang buong chika ni Nelson Canlas:

EXCLUSIVE: Here's a preview of Kapuso Primetime King Dingdong Dantes's scene in 'Family History'

#OMG: Spider-Man fans get chance encounter with 'Family History' star Michael V.