Showbiz News

EXCLUSIVE: Rita Daniela at Ken Chan, mahanap kaya ang forever sa bagong digital project?

By Aedrianne Acar

The wait is over para sa BoBrey fans dahil isang exciting project ang pagsasamahan ng Kapuso love team nina Rita Daniela at Ken Chan.

Rita Daniela and Ken Chan

EXCLUSIVE: Ken Chan, kinilabutan nang mapanood ang 'Family History' trailer

Sa one-on-one interview ng GMANetwork.com, ikinuwento ng dalawang aktor na mayroon silang isang digital project.

Ayon kay Rita, sobra raw nakatataba ng puso na ganito ang suporta ng GMA-7 sa kanila ni Ken.

Ani Rita, “I'm actually excited kasi it's my first time to try something like this and we are very-very happy like me personally, I'm so glad and grateful that GMA is investing on us this so much.

“Grabe lang sobrang ramdam na ramdam namin 'yung suporta ng network sa amin. Siyempre para mabigyan ka ng soap tapos primetime pa is already enough. But for us to do something like this, too, a digital show, is way so much better. So I'm really really excited for this one.”

Nagkuwento ng konting detalye si Ken Chan sa digital show nila ng kapareha at sinabing “natupad ang wish” niya dahil sa project na ito.

Paliwanag ng Chinito heartthrob, “Sobrang suwerte namin na kami ang napili rito and ako kasi mahilig ako manood ng digital short film, so I really want na makagawa ng ganoong project.”

“At ito, na-grant 'yung isa sa mga wish ko na magkaroon ng digital short film. And excited ako lalo [dahil] kaming dalawa ni Rita 'yung magkakasama and gagawa kami ng istorya na kung saan makaka-relate at makaka-connect ang lahat.”

Abangan ang bagong digital project na ito ng RitKen.