Showbiz News

WATCH: Dawn Zulueta nagde-Deli Atay-Atayan sa bahay?

By Cara Emmeline Garcia

Nag-promote sina Michael V. at Dawn Zulueta ng kanilang pelikula na 'Family History' sa Unang Hirit kahapon, July 15.

Dawn Zulueta

Dito, kumasa ang dalawang aktor sa iba't ibang challenges nina UH hosts Luane Dy at Mariz Umali. Ang isa dito ay ang pagsagot ng iba't ibang tanong mula sa UH family tree.

“Ano ang special skill o talent mo na 'di alam ng tao?” tanong kay Dawn Zulueta.

“'Di nila alam na kaya kong mag-impersonate!” sagot nito.

“Ay nako! Alam niyo kasi pag nanay ka na talaga, minsan nagtuturuan 'yung mga anak mo, so lumalabas 'yung Deli Atay-Atayan ko.

“Nag-i-English kami sa bahay pero pag talagang nagagalit ako Tagalog na talaga 'yung lumalabas e.

“Tapos 'yung mga anak ko parang, 'Huh? Mama, what are you saying?'”

Panoorin ang impersonation ni Dawn Zulueta kay Deli Atay-Atayan sa video na ito:

Parenting styles nina Dawn Zulueta at Michael V., ibinahagi sa 'Unang Hirit'

Ano ang paboritong eksena ni MIchael V. sa 'Family History'?