Showbiz News

Betong Sumaya, pumirma na sa GMA Music!

Simula na ng music career ng multitalented Kapuso comedian at actor na si Betong Sumaya matapos pumirma ng kontrata sa GMA Music.

Betong Sumaya

Dumalo sa contract signing sina GMA Artist Center Assistant Vice President and Head for Talent Imaging and Marketing Unit Simoun Ferrer, GMA Artist Center Senior Talent Manager Joy Marcelo, GMA Music Managing Director Rene Salta, at GMA Music A&R Manager Kedy Sanchez.

Bukod sa pagiging isang komedyante at aktor, ibinahagi ni Betong ang kanyang pasasalamat sa katuparan ng kanyang mga pangarap, “Sobra akong thankful and blessed dahil isa sa mga passion ko talaga ang singing. Sana dito sa GMA Music, maihatid natin 'yung kanta na magpapaaliw sa ating mga Kapuso, 'yung tipong ma-L.S.S. sila.”

Malapit nang ilabas ng GMA Artist Center star at Bubble Gang mainstay ang kaniyang unang single sa ilalim ng GMA Music.

May pangako rin si Betong sa kaniyang mga fans, “Maganda rin itong venue na sana mapakita ko sa kanta yung character ko. Abangan nila ang bago kong journey dahil kakaibang Betong po itong matutunghayan ninyo.”

Ipinahayag ng GMA Music Managing Director na si Rene Salta ang kaniyang tiwala sa Kapuso artist, “Betong is a promising performer, he can do a lot of things and we believe making great music is one of them. We are excited to showcase his talent and inspire people through it.”