Showbiz News

EXCLUSIVE: Rita Daniela, pressured bang mapantayan ang success ng 'My Special Tatay'

By Bianca Geli

Kasunod ng success ng BoBrey loveteam sa My Special Tatay ay ang bagong blessing para kay Rita Daniela, ang lead role bilang Jowalyn o Jowa sa upcoming GMA primetime na One of the Baes kasama muli si Ken Chan.

Rita Daniela

READ: Rita Daniela at Ken Chan, kakaibang role ang ipapakita sa primetime

Kabado kaya siya sa pagkumpara ng mga tao sa success ng My Special Tatay sa kanilang bagong rom-com drama?

Sagot ni Rita, “A bit, of course. But I am confident in a way that this is a God-given project so I'm confident that everything will be okay kasi everything was so smooth."

Dagdag ni Rita, bago raw sa telebisyon ang konsepto ng One of the Baes na magpapakita sa buhay ng Filipino seafarers.

“Walang naging problema at all, I'm more of excited because bagong-bago siya at first time magkakaroon ng ganitong klaseng konsepto na ipapalabas sa telebisyon na tungkol sa maritime industry.

“'Yun pa lang, very exciting and interesting."

Abangan ang RitKen sa One of the Baes, malapit na sa GMA primetime!