Showbiz News

READ: Dawn Zulueta, taos-puso ang pasasalamat sa magandang review ng CEB sa 'Family History'

By Aedrianne Acar

Isang magandang balita ang bumungad sa movie actress na si Ms. Dawn Zulueta isang linggo bago ang premiere ng kanyang pelikula na 'Family History' kung saan makakasama niya ang Kapuso ace comedian na si Michael V.

Dawn Zulueta

CEB gives 'Family History' 'B' grade, lauds BiDawn for performance

Michael V. treats GMA-7 employees to an advanced screening of 'Family History'

Sa Instagram post ni Dawn, laking tuwa nito nang malaman ang magandang review na ibinigay ng Cinema Evaluation Board (CEB) sa 'Family History' na nakatanggap ng “B” grade.

Pinuri din ng evaluation board ang husay niya sa pag-arte bilang si May na asawa ng karakter ni Direk Bitoy na si Alex.

“Both Dawn and Michael were excellent in their roles. Michael shows his versatility while Dawn was constantly convincing.”

Sa comments section ng Instagram page ni Michael V., makikita na biniro pa ng multi-awarded comedian ang kanyang leading lady.

Catch 'Family History' in cinemas nationwide on July 24!