Showbiz News

#BitoyStory: Michael V., hangad maging isang 'total entertainer'

By Aedrianne Acar

Mas lalong nakilala ng mga netizen ang multi-awarded comedian na si Michael V. sa kanyang latest vlog.

Michael V

Sa bagong episode ng Bitoy Story, sinagot ni Michael V. ang ilang tanong ng fans niya tungkol sa family drama movie na Family History.

"Dr. Nega" teaser video of 'Family History' reaches 1M views!

Isa sa mga sinagot ng Kapuso comedian ang tanong kung bakit niya naisipang umarte rin sa pelikula bukod sa pagiging writer at direktor nito.

Paliwanag ni Direk Michael, determinado siyang ipakita hindi lang sa mga tao kundi sa buong showbiz industry ang pagiging 'total entertainer.'

Wika ni Bitoy, “Sa mga interview, ine-express ko yung kagustuhan ko na maging 'total entertainer.'

“So for me, hindi puwede na ako lang yung magsulat, ako lang yung magdirek.

“Parang feeling ko, dapat ako rin yung umarte kasi gusto ko ipakita hindi lang sa audience, kundi pati na rin sa industriya, na yung ibinigay sa akin na kakayanan ni Lord, yung talent na parang sayang naman kung iiwan mo lang na nakaganito, hindi mo iku-cultivate, hindi mo pagyayamanin.”

Malalim din daw ang kagustuhan ni Michael V. na makapag-inspire ng ibang tao kaya gusto niyang ipamalas ang buo niyang kakayahan sa paggawa ng Family History.

“Maganda, siyempre, na kapag binigyan ka ng kahit anong talent for that matter, maganda na mai-share mo sa mas maraming tao, hindi para sa sarili kundi para mag-inspire doon sa susunod na generation o sa ibang tao.”

“Basta tipong maging instrumento ka para yung ibang tao gumawa ng 'something' din na makabuluhan.”

Ten lucky winners din ang pinalanganan ni Michael V. na makakasama niya sa grand premiere night ng Family History sa July 23 sa SM Megamall Cinema, Mandaluyong City.

Panoorin ang latest Bitoy Story vlog at malay mo isa ka sa unang makakapanood ng Family History next week!