Showbiz News

EXCLUSIVE: 'Iba talaga'- Diego Llorico on 'Family History' star Michael V.

By Aedrianne Acar

Buo ang suporta ng Bubble Gang barkada para sa kanilang creative director na si Michael V. para sa comeback film niya na Family History.

Diego Llorico

CEB gives 'Family History' 'B' grade, lauds BiDawn for performance

Sa panayam ng GMANetwork.com sa isa mga veteran ng Kapuso gag show na si Diego Llorico, sinabi niyang nakikita niya ang excitement ni Direk Bitoy sa pelikula na ito.

Sa mga hindi nakakaalam, bago naging opisyal na Bubble Gang member si Diego ay dati siyang production assistant (PA) sa show.

Wika ni Diego, “Nakikita ko na excited siya, gustong-gusto niya yung ginagawa niya kasi talagang dream niya ito, so suportado namin lahat si Bitoy.”

Tulad din ni Michael V. excited na siya mapanood ang Family History, kung saan ipinamalas ng multi-awarded comedian ang husay niya sa larangan ng pagsusulat, pagdidirek at pagiging drama actor.

“Excited ako siyempre first directorial debut ni Bitoy sa big screen, so siyempre wini-wish ko na sana maging successful 'yung first movie niya as director, producer, and at the same time siya 'yung sumulat at tsaka artista.”

Dagdag niya, “Iba talaga! Excited ako kasi I'm sure pag nagtuloy-tuloy 'yan gagawa pa uli ng mga movie yan at makakasama niya kami (laughs).”

Sugod na sa sinehan, mga Kababol, dahil showing na ang Family History in more than 170 cinemas nationwide!