Showbiz News

Vaness Del Moral, emosyonal na ibinahagi ang kanyang experience sa acting workshop kay Anthony Bova

By Maine Aquino

Si Vaness Del Moral ay isa sa mga Kapuso stars na mapalad na parte ng workshop with New York-based acting coach na si Anthony Bova.

Vaness Del Mora


Sa media conference na ginanap nitong July 30, ibinahagi ni Vaness ang kanyang mga natutunan mula sa acting workshop. Si Vaness ay parte ng second batch of actors na sumailalim sa workshop.

Anthony Bova is back in Manila for another acting workshop with Kapuso talents

Kuwento ni Vaness, importante sa mga aktor na tulad niya ang maging bukas sa bagong kaalaman.

"It doesn't matter how long how you've been in the industry. What matters is your hunger to learn. Kung ayaw mong matuto, hindi ka para sa industriyang ito. Kung gusto mong matuto, kung gusto mong maging better person, better human being, hindi ka dapat tumigil na matuto sa buhay."

Ayon sa StarStruck graduate, si Anthony at facilitator na si Ana Feleo ay nakatulong sa kanya dahil nais niyang matuto.

Saad ni Vaness, "The workshop with Anthony and Ana helped me a lot personally. Yes, I also do have problems. Personal problems, may struggles ako sa buhay. Hindi ako perfect. Hindi ako magaling. Hindi ako sobrang galing, pero gusto kong mag-aral. Gusto kong matuto."

Naging emosyonal naman si Vaness nang ibinahagi niya na ilan sa kapwa niyang Kapuso stars ay itinuturing siyang isang role model.

"Dahil ako nga ang pinakamatanda sa batch ko, they look up to me. Feeling ko they shouldn't because I'm not perfect. Pero sabi nga nila magaling daw ako, so sige, papaniwalaan ko 'yun. So nagiging role model ako."

Dahil dito, ibinahagi niya na huwag magsawa ang kapwa niyang mga artista na mag-aral dahil ito ang bubuo sa kanila bilang magagaling na mga aktor.

Kuwento ni Vaness, "Ang mase-share ko lang talaga is never stop learning, because marami kang matututunan sa buhay. The older you get, mas marami kang mase-share, mas marami kang ma-e-experience, mas marami kang ma-i-inspire."