Showbiz News

WATCH: Ina Feleo, Bianca Umali at Miguel Tanfelix, hanga sa talento ni Direk Michael V

By Cara Emmeline Garcia

Umarangkada na ang shooting ng unang pelikula ni Michael V na pinamagatang Family History at ang mga bida sa pelikula ng comedy genius ay hangang-hanga sa talento ng kanilang direktor.

Ina Feleo, Bianca Umali & Miguel Tanfelix

Isa na rito si Ina Feleo na gumaganap bilang ina ni Bianca Umali at asawa ng karakter ni John Estrada.

Ayon kay Ina, pinipigilan daw niya ang pagka-starstruck sa kanyang co-star at director na si Michael V.

“Fan niya talaga ako. Not just dahil tawang-tawa ako sa kanya.

"Pero dahil sa pagiging creative niya at 'yung pagka-artist niya,” dagdag pa niya.

Lalo rin daw humanga sina Sahaya stars Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa kanilang direktor.

Kuwento ni Bianca, “He showed us kung paano niya vinisualize 'yung shots niya.”

“And he actually has a miniature studio tapos ang gamit niya [ay] action figures.”

Dagdag ni Miguel, “Sobrang visual niya as a director.”

WATCH: Ang 4-in-1 role ni Michael V sa pelikulang 'Family History'

Panoorin ang kabuuan ng istorya sa chika ni Aubrey Carampel:

Ang Family History ang unang pelikula na sasailalim sa direksyon ni Michael V na kung saan siya rin ay bibida.

Ito ay co-produced ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment na pagmamay-ari ni Bitoy at ng kanyang asawa na si Carol Bunagan.

Mic Test Entertainment inks co-production agreement with GMA Network