Showbiz News

WATCH: Nora Aunor, balik pelikula kasama si Sanya Lopez

By Aaron Brennt Eusebio

Matapos ipakita ang kanyang husay sa 'Onanay,' magbabalik pelikula ang nag-iisang superstar na si Nora Aunor sa pelikulang 'Isa Pang Bahaghari."

Nora Aunor


Planong isama sa Metro Manila Film Festival ang nasabing palabas na idederehe ng beteranong direktor na si Joel Lamangan.

"Hindi ako nagdalawang isip na tanggapin ito sapagkat 'yung huli naming pelikula ay 'yung Hustisya," saad ni Nora.

Tinutukoy ni Nora ang 2014 Cinemalaya entry na Hustisya, kung saan huli silang nagkasama ni Direk Joel.

"Excited ako dahil sa halos lahat ng pelikulang ginagawa ko sa kanya [Direk Joel], 'yung limang pelikulang ginawa ko sa kanya ay nanalo ako ng best actress," dagdag ng superstar.

Sa ginanap na story conference ng pelikula, muling nagkita sina Nora at ang kanyang leading man noon na si Philip Salvador.

"Sa tagal ng panahon na hindi kami nagkita, nagkita kami kanina at nag-usap nga kami doon sa mga pelikulang pinagsamahan namin, nakakatuwa," kuwento ni Nora.

Gagampanan ng superstar ang papel ni Lumen, isang maybahay na biglang iniiwan ng asawang OFW.

Makakasama niya sa 'Isa Pang Bahaghari' si Kapuso leading lady Sanya Lopez, Joseph Marco, Albie Casiño, Maris Racal, Zanjoe Marudo, Michael de Mesa, at Migs Almendras.

LOOK: Sanya Lopez stars with Nora Aunor in upcoming film, 'Isa Pang Bahaghari'