Showbiz News

WATCH: Melanie Marquez, big kontrabida comeback sa 'One of the Baes'

By Cara Emmeline Garcia

Isang malaking comeback para kay Melanie Marquez ang kaniyang pagbabalik sa showbiz dahil gaganap siya bilang kontrabida sa upcoming rom-com series na One of the Baes.

Melanie Marquez

Nagagalak ibahagi ng former beauty queen turned actress ang pagbabalik Kapuso network.

“I'm just so happy na balik po ako sa Kapuso [network] at kinonsider po nila ako.

“Ako 'yung main kontrabida… kalaban nilang lahat!

“I love the role kasi it's something challenging, tapos may comedy, tapos glamorosa, avant garde!” aniya kay 24 Oras reporter Lhar Santiago.


Gaganap si Melanie bilang si Alona ang makakalaban nina Ken Chan at Rita Daniela sa serye.

Laking tuwa naman ng dalawang bida na makakasama nila ang aktres sa unang pagkakataon.

Ani Ken, “Yes, si Melanie Marquez!

“Sobrang binibiyayaan kami ng mga magagaling na artista at mga batikan dito sa show na gagawin namin.”

Panoorin ang chika ni Lhar Santiago: