Showbiz News

WATCH: Derek Ramsay, matalinghaga sa 'real score' sa pagitan nila ni Andrea Torres

By Marah Ruiz

Madalas na mamataang magkasama sina Derek Ramsay at Andrea Torres sa labas ng taping ng kanilang GMA Telebabad serye ng The Better Woman.

Sa katunayan, nanood pa nga si Andrea ng basketball game ni Derek. At bago nito, sumama din siya sa China para suportahan ang aktor sa kanyang frisbee competition.

"First time ko kasi makasama sa ganoon. Wala akong idea kung ano 'yung buhay ng atleta and tumaaas 'yung respeto ko kasi ang hirap talaga. Non-stop talagang ipu-push mo 'yung katawan mo. Talagang they do everything to represent the country talaga," kuwento ni Andrea tungkol sa experience.

Natuwa naman si Derek sa panonood ni Andrea ng kanyang game.

"I was amazed how patient and understanding and supportive she was. Walang kaartehan. Kung umuulan, nandoon siya, walang payong. Kung mainit nandoon siya," pahayag nito.

Marami tuloy ang nag-iisip na tumawid na mula sa teleserye patungong tunay na buhay ang kanilang relasyon.

Naging matalinghaga naman ang sagot ni Derek nang tanungin siya tungkol dito.

"I think we're more than friends. We've developed a really strong friendship in a short period of time but I like where it's going," aniya.

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras:





Andrea Torres, nanood ng frisbee championship ni Derek Ramsay sa China

LOOK: Derek Ramsay at Andrea Torres, namasyal sa China