Showbiz News

WATCH: K-pop group na EXO, nag-perform sa Manila

By Bianca Geli

Unang gabi pa lang ng kanilang 2-day concert, nagpasiklab na ang sikat na Korean boy group na EXO kahit wala ang kanilang dalawang miyembro.

K-pop group na EXO, nag-perform sa Manila

Nakabibinging sigawan ang salubong ng fans sa EXO sa unang gabi ng kanilang concert, ang EXO PLANET #5 EXplOration, na ginanap nitong August 23 sa Mall of Asia Arena.

Opening number pa lang, nagpakitang gilas na ang grupo. Bongga rin ang stage production at ang party vibes nina Suho, Baekhyun, Chanyeol, Chen, Kai, at Sehun. Nasa military service naman ang dalawang miyembro na sina Xiumin at D.O.

Kulang man sa miyembro, buo naman ang ipinakitang energy ng grupo. Kinanta ng EXO ang ilan sa kanilang hits na “Tempo”, “Transformer”, at “Gravity.”

Nakita sa nasabing concert ang celebrity couple na sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.

Ito ang ika-apat na pagtatanghal ng EXO sa Pilipinas.

Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa Saksi: