Showbiz News

WATCH: 'Prima Donnas' star Aiko Melendez, binully noon ni Candy Pangilinan?

By Aaron Brennt Eusebio

Isa si Candy Pangilinan sa itinuturing na best friends sa showbiz ng Prima Donnas star na si Aiko Melendez. Pero ayon kay Aiko, binully siya noon ni Candy.

Aiko Melendez


Sa pinakaunang vlog ni Aiko, ikinuwento niya kung ano ang nangyari sa unang pagkikita nila ni Candy.

Mag-o-audition noon si Aiko para sa isang theater play noong nag-aaral pa siya sa University of the Philippines ng Theater Arts nang makita niya si Candy.

"Natanungan ko siya, 'Saan 'yung way sa audition?' Nakaganyan siya," kuwento ni Aiko habang naka-crossed arms. "Doon oh!"

"'Pag punta ko doon, banyo. Wala naman."

Patuloy ni Aiko, "Balik ako, nakita ko siya, si Harlene. Tinanong ko na naman siya, ewan ko kung bakit siya."

"So I ask you again the same question. Sabi ko, 'Saan 'yung way sa audition?'" ani Aiko kay Candy.

"Tinuro naman niya ako sa kabila."

Natanggap naman si Aiko sa audition pero hindi siya natuloy sa pag-aaral sa UP.

Panoorin ang unang vlog ni Aiko kasama ang kanyang mga best friend na sina Candy, Gelli de Belen, at Carmina Villarroel: