Showbiz News

WATCH: Super Tekla, aminadong na-challenge sa kanyang dual role sa 'Kiko en Lala'

By Aaron Brennt Eusebio

Aminado ang komedyante na si Super Tekla na nahirapan siyang gampanan ang kanyang dalawang karakter sa pelikulang Kiko en Lala.

Ginagampanan ni Tekla ang straight na si Kiko at ang bakla na si Lala.

"Sobrang challenging. Alam mo naman, bilang baguhan, ang dami ko pang bigas na kakainin," ani Tekla.

Dahil sunod-sunod ang biyayang dumating sa buhay niya, ibinuking din ni Tekla na nag-iipon na siya ngayon para makabili ng sariling sasakyan.

"May bago ako ngayong pag-ibig na pinag-iipunan," pahayag ni Tekla.

"Siyempre importante sa atin yung broom broom, ganon!

"Parating na siya, 'di ko pa nga sinasagot eh."

Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras:

Makakasama ni Tekla sa Kiko En Lala sina Derrick Monasterio, Kim Domingo, Kiray Celis, Divine Tetay, Jo Berry, Vangie Labalan, at si Aiai Delas Alas para sa isang very special role.

Ang Kiko en Lala ay sa ilalim ng direksyon ni Adolf Alix, Jr. at produced by Backyard Productions.

WATCH: Cinema trailer ng pelikulang 'Kiko en Lala' starring Super Tekla

'Wag palampasin ang Kiko en Lala na ipapalabas na sa mga sinehan simula September 25.