Showbiz News

EXCLUSIVE: Martin del Rosario, ikinagalak ang sunud-sunod na biyayang natatanggap sa kanyang career

By Cara Emmeline Garcia

Ikinagagalak ni Martin del Rosario ang sunud-sunod na biyayang natatanggap niya sa kanyang career sa telebisyon at pelikula.

Martin del Rosario

Bukod sa pagiging top-grossing film ng The Panti Sisters, kung saan kasama niya sina Paolo Ballesteros at Christian Bables, nakatanggap pa si Martin ng Best Actor Award sa naganap na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) noong Linggo, September 15.

Maliban dito, nagsimula na rin ang bagong GMA Telebabad series na The Gift. Dito, gumaganap si Martin bilang si Jared, ang stepbrother ni Sep, ang karakter ni Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Dahil dito, lubos ang sayang nararammdaman ni Martin.

“Nakaka-overwhelm kasi sabay sabay,” sabi ni Martin sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

“Siyempre, bukod sa pagiging top grosser sa PPP 'yung Panti Sisters, nanalo pa ako ng Best Actor.

“'Tapos kasabay pa nito yung world premiere ng The Gift, so overflowing with blessings.

“Hindi ko na nga ma-explain 'yung saya na nararamdaman ko.”

Malaki ang pasasalamat ng aktor hindi lamang sa kanyang co-stars sa The Panti Sisters kundi pati na rin sa crew na minabuting gawin ng tama ang pelikula.

Sa ngayon, umabot na ng PhP 61M ang The Panti Sisters at mapapanood ito sa mga sinehan hanggang September 19.

Kaya nang tanungin kung ano ang kinaiba ng kanilang pelikula sa ibang entry sa PPP, simple lang ang masasabi ni Martin tungkol dito, “Feel ko 'yung mga Pinoy talaga gustong tumawa.

“Nature kasi ng mga Pinoy na maging masayahin, so perfect na perfect yung The Panti Sisters film.

“Marami rin naman kasi ang matutunan dito. Hindi lang siya kasi pang-LGBT kundi pang-family rin siya.

“It's about acceptance at saka kung papanoorin niyo ang dami ring issues na talagang pinag-uusapan ngayon, especially yung LGBT issues, na maraming mabubuksan na isip,” pagtapos nito.


Mapapanood rin ang Kapuso actor sa The Gift mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice.

WATCH: Martin del Rosario, inuwi ang kanyang first Best Actor Award mula sa ika-3 Pista ng Pelikulang Pilipino

Celebrities laud Martin Del Rosario for his big win at Pista ng Pelikulang Pilipino 2019