WATCH: 'Madrasta' stars Phytos Ramirez, Ahron Villena, Kelvin Miranda, at Faye Lorenzo, nakisaya sa 'Kapuso ArtisTambayan'
Published On: September 20, 2019, 07:04 PM
Nakisaya ang Madrasta stars na sina Phytos Ramirez, Ahron Villena, Kelvin Miranda, at Faye Lorenzo sa 'Kapuso ArtisTambayan' kahapon, September 19.
EXCLUSIVE: Dating Kapamilya stars, mapapanood na sa Madrasta
Hindi umatras sina Phytos, Ahron, Kelvin at Faye sa pagsagot ng mga tanong tungkol sa kanilang pagbibidahang upcoming Kapuso drama, career, personal life, at maski na sa usapang relationship.
Naglaro rin ang apat ng 'Kantaririt' habang marami naman silang ginawang rebelasyon sa 'Guilty or Not Guilty' challenge.
Panoorin:
Malapit niyo nang mapanood sina Phytos, Ahron, Kelvin at Faye sa Madrasta sa GMA Afternoon Prime.