TV

EXCLUSIVE: Dating Kapamilya stars, mapapanood sa 'Madrasta'

By Cherry Sun

Apat na dating Kapamilya stars ang kabilang sa upcoming drama series na Madrasta.

Almira Muhlach at Anjo Damiles

Makakasama nina Arra San Agustin, Thea Tolentino, at Juancho Trivino ang mga Kapuso na rin ngayon na sina Almira Muhlach, Anjo Damiles, Faye Lorenzo, at Ahron Villena.

Gaganap si Almira bilang si Shirley, ina ni Katharine, na gagampanan naman ni Thea.

Ito ang comeback project ni Almira sa Kapuso network matapos gumanap sa Lupin noong 2007.

READ: Almira Muhlach, balik-Kapuso; handang ma-bash sa bagong programa

Source: almiramuhlach (IG)

Aniya, “Now I'm back in GMA after 12 years, so I'm very thankful to GMA.”

Inilarawan din niya ang kanyang karakter sa Madrasta, “I used my daughter para matupad 'yung ambitions ko na yumaman, magkapera, mabili lahat ng gusto ko.”

Samantala, sina Anjo at Faye naman ay may kaugnayan sa character ni Arra na si Audrey.

Bibigyang-buhay ni Anjo si George, ang unang boyfriend ni Audrey; habang magiging kaibigan at kakampi naman ni Audrey ang character ni Faye na si Joan.

Source: anjodamiles10 (IG) / fayelorenzo_ (IG)

Ito ang unang proyekto nilang dalawa sa GMA Network, pero umaapaw na agad ang pasasalamat nila.

IN PHOTOS: Anjo Damiles and Faye Lorenzo, among the new faces of GMA Artist Center

Ani Anjo, “I felt at home. 'Yung pag-welcome sa akin nung cast, nung mga nagwo-work sa set, yung mga staff, directors, PA's, PM's, and everyone.

“Sobrang welcome na welcome ako. Feeling ko nasa bahay lang talaga ako, I never left.

“It's my first time to work here in GMA and ganun agad 'yung welcome sa akin.

“Parati akong may nilu-look forward to, na mas lalo kong maipapakita sa kanila na kaya ko, mas gagalingan ko.

“'Yung pag-boost nila sa akin, ng morale ko, 'yung confidence ko, magaling. Napakagaling.”

Wika naman ni Faye, “Ito kasi 'yung unang-una kong project dito sa GMA kaya sobrang overwhelmed talaga ako.

“Sobrang laking binigay nila sa akin na project kaagad.

“Ayun kaagad 'yung role ko, kaibigan kaagad ako ng bida.

“Grabe, ang tiwala nila sa akin ang laki. Gagawin ko 'yung lahat para maipakita ko kung ano pa kaya ko."

Mapapanood din sa Madrasta si Ahron Villena, na gaganap bilang si Gian. Ito ang magiging dating nobyo ni Katharine, na gagampanan ni Thea.

Hindi raw nag-atubiling tanggapin ng aktor ang kanyang unang proyekto sa Kapuso network.

“Na-excite ako sa role ko kasi habang nasa set sinasabi nila sa akin kung saan papunta yung character ko at alam ko 'pag napanood ng mga viewers tatak din ako sa mga tao.

“Sobang bait nila at maalaga sa set.

“'Tapos, hindi ko masyado nakikita na na-stress sila kaya thankful ako kahit bago lang ako sa GMA.

“At first serye ko 'to, hindi na ako masyado nailang sa kanila kasi mababait sila at mabilis kausap,” paglalahad ni Ahron tungkol sa pagtatrabaho para sa Madrasta.

Source: ahronvillena (IG)

Mapapanood na ang Madrasta sa Oktubre sa GMA Afternoon Prime.