Showbiz News

EXCLUSIVE: Faye Lorenzo on being compared to Kim Domingo, 'Hindi naman ako nakikipagkumpitensya.'

By Cherry Sun

Magsisimula pa lamang ang showbiz career ng bagong Kapuso talent na si Faye Lorenzo pero naikukumpara na siya agad sa kanyang kapwa Kapuso star na si Kim Domingo.

Sa kanilang kutis, kaseksihan, at ganda, hindi maipagkakaila ang pagkakahawig nila.

Ani Faye sa kanyang exclusive interview with GMANetwork.com, compliment para sa kanya na maikumpara kay Kim.


Wika niya, “Siyempre, flattered naman ako kasi Kim Domingo, 'di ba, kino-compare ka kay Kim Domingo.

“Sa akin naman, hindi naman ako nakikipagkumpitensya.

“'Tsaka si Kim kasi kaibigan ko rin naman siya, 'tsaka magkapatid kami sa management.

“Para sa akin, napakasaya nun. Kumbaga, 'Wow, nako-compare ako kay Kim Domingo.'”

Gaganap si Faye sa kanyang unang Kapuso series na Madrasta

Bahagi man siya ng isang drama, pareho rin daw siya ng nais tahakin tulad ni Kim.

WATCH: Madrasta stars Phytos Ramirez, Ahron Villena, Kelvin Miranda, at Faye Lorenzo, nakisaya sa 'Kapuso ArtisTambayan'

Sabi niya sa huli, “Idol ko rin kasi Kim, e, kaya 'yun din ang [pino-project] ko ngayon, sexy actress na comedienne.”