Showbiz News

READ: Kate Valdez at Manolo Pedrosa, kinikilig na makatrabaho ang isa't isa?

By Felix Ilaya

Parehong nabanggit ng Kapuso stars na sina Kate Valdez at Manolo Pedrosa na gusto raw nilang makatrabaho ang isa't isa sa kanilang previous interviews.

EXCLUSIVE: Manolo Pedrosa, bakit kinilig kay Kate Valdez?

Kaya naman dream come true para sa kanilang dalawa ang upcoming movie na Black Lipstick.


Sa naganap na press conference ng Black Lipstick last September 24, nakapanayam ng GMANetwork.com sina Kate at Manolo upang alamin ang kanilang reaksyon ngayong nagkasama na sila sa iisang project.

Ayon kay Kate, kinikilig pa rin daw siya kay Manolo kahit naging close na sila.

"Until now, may kilig pa rin ako na we're able to work together lalo na dito sa first movie ko kaya excited ako.

"Gumagawa talaga si God ng way na makatrabaho mo 'yung mabuting tao and he knows that Manolo is a good person. I'm happy," wika ng aktres.

Napasigaw naman ng "Finally!" si Manolo ngayong nagkasama na rin sila sa wakas sa Black Lipstick.

Aniya, "I'm really really grateful.

"I'm super happy na kasama si Kate sa movie kasi first of all, after that interview we had, nagkasama kami sa acting workshop.

"It's the time when we really opened up and when you open up to someone, you get a special connection with them. Mas na-deepen 'yung relationship namin as of now."

Kung magtatambal daw muli sila sa isang teleserye, parehong gusto nina Kate at Manolo na sumabak sa action genre.

Abangan ang Kapuso stars na sina Kate at Manolo sa Black Lipstick kasama sina Kyline Alcantara at Migo Adecer this October 9 na.