Showbiz News

Derek Ramsay, sinagot ang isyu tungkol sa dating pagpapakasal niya

By Aedrianne Acar

Isa sa masaya para sa nabuong relasyon nina Derek Ramsay at Andrea Torres ang former StarTalk host at veteran entertainment writer na si Lolit Solits.

WATCH: Derek Ramsay and Andrea Torres confirm relationship

Sa kanyang Instagram post last week, sinabi nito na bagay ang dalawa at wish niya sa bagong showbiz couple na tumagal ang kanilang relasyon.

Ani Manay Lolit, “Happy ako Salve na naging totoo iyon relasyon nila Derek Ramsay at Andrea Torres. Kasi aside from bagay na bagay sila, pareho silang mabait at hindi plastic o showbiz.

“Sana wish ko, matuloy sa wedding ang relasyon ng dalawa kasi parang nakikita ko na it will be a good match and a lasting one, lalo pa nga kapwa na emotionally ready ang dalawa.

"Si Derek ripe na ripe na for marriage, si Andrea naman mukhang domesticated woman din.

"Hope it will last a lifetime for both. Congrats Derek and Andrea, two people deserving of happiness.”

Nabasa naman ito ni Derek at nagpasalamat sa suporta ni Lolit para sa kanila ng kanyang girlfriend.

Wika ng Kapuso leading man, “Thank you nay for the kind words. Thank you to everyone happy for me and Andrea.”

IN PHOTOS: Timeline of Derek Ramsay-Andrea Torres relationship

May mensahe din ang former The Better Woman star sa mga bashers nila ni Andrea Torres.

“To all the bashers out there who think they know me and Andrea pls introduce yourselves first to both of us so next time you comment, its not all based on wha you think but what you know,

“If ayaw niyo its ok and continue with what you do basta it makes you happy. Take care everyone.”

Makikita din sa comment section ng Instagram post ni Lolit na sinagot ni Derek Ramsay ang ilang isyu na binabato sa kanila ng girlfriend, kabilang na rito ang naunang pagpapakasal ng aktor.

Sabi ng Instagram user na si @urdemonwillkillyou, “Pano ikakasal kung kasal pa si derek?”

Ang maiksing ngunit matalinghagang sagot ni Derek, “That's not true.”

Taong 2014 nang unang mapabalita ang tungkol sa pagpapakasal ni Derek sa non-showbiz na si Mary Christine Jolly noong 2002.

Ngunit, ayon sa mga lumabas na balita, ilang buwan pa lamang ang nakalilipas ay naghiwalay na ang dating mag-asawa.

Kasunod nito, naiulat ang tungkol sa isyu ng pagpa-file ng annulment na pagpapakasal nina Derek at Mary Christine. Subalit naging matipid sa pagbibigay ng detalye tungkol rito ang aktor simula pa noon.

Nagkaroon ng isang anak na lalaki sina Derek at Mary Christine.

Derek Ramsay dares netizen to name previous leading lady who became his GF