Showbiz News

WATCH: Mga istorya ng 'StarStruck' Final 4, itatampok sa 'Magpakailanman'

Emosyonal na inalala nina Kim de Leon, Shayne Save, Allen Ansay, at Lexi Gonzales ang kanilang buhay bago tinanghal bilang StarStruck Season 7 Final 4.

Lexi Gonzales, Kim de Leon, Shayne Sava, at Allen Ansay

Kaya naman ang kuwento ng kani-kanilang buhay ay itatampok sa drama anthology show na Magpakailanman.


Sa chika ni 24 Oras reporter Nelson Canlas, muling binalikan ng apat na finalists ang kanilang mga buhay bago nakaranas ng matamis na tagumpay noong Final Judgement Night.

Ibinahagi ni Ultimate Male Survivor Kim na nagsilbi muna siyang waiter, tagabenta, at pumasok sa iba't ibang trabaho bago lumahok sa artista reality search.

Saad nito, “Naisip ko din po 'yun na medyo unfair nga pero mas lumalaman 'yung isip ko na siguro ganoon talaga 'yung buhay, ganoon talaga.”

WATCH: Kim de Leon at Shayne Sava, handa na sa buhay artista

Uhaw naman sa pagmamahal ng tatay si Ultimate Female Survivor Shayne, na lumaking isang achiever para mapansin ng ama.

“Lumaki po akong walang tatay,” sambit nito.

“'Pag bumabalik po siya, lagi po niyang sinasabi na 'Papasyal tayo.'

“'Tapos, ako po laging umaasa sa kanya hanggang sa hindi niya naman po talaga laging natutupad.”

Shayne Sava, gustong sundan ang yapak nina Katrina Halili at kanyang look-alike na si Kris Bernal

Ang paglisan sa simpleng pamumuhay sa Bicol ang naging sakripisyo ni Allen para matupad ang pangarap maging artista.

Saad ni Allen, “'Pag umaga nga po gising ka lang nang umaga, hintay ka lang po sa dagat, meron po 'yung namimigay ng isda, tulong ka lang po maghila sa dagat, may ulam ka na.”

Allen Ansay, ibinahagi ang hindi niya gagawin pagkatapos ng 'StarStruck'

At para naman kay Lexi, inalala nito ang mga araw na naghahanap siya ng trabaho para tulunga ang kanyang single mom at kapatid na may special needs.

“Kumakanta po ako, minsan sumasali po ako sa mga contest.

“Kahit PhP 2,000 lang 'yung bayad o kaya PhP 500 lang, para lang may pangkain.”

Abangan ang kuwento nina Kim, Shayne, Lexi, at Allen ngayong Sabado, October 5, sa Magpakailanman.