Showbiz News

WATCH: Marian Rivera gives her stamp of approval to Jennylyn Mercado

By Cara Emmeline Garcia

Two thumbs up para kay Marian Rivera ang pagkapili kay Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado bilang leading lady ni Dingdong Dantes sa Philippine adaptation ng Descendants of The Sun.

Bago pa in-announce si Jennylyn bilang si Dr. Maxine dela Cruz, nabanggit na raw ito ng asawa sa kanya at nakitang bagay ang aktres sa role.

“Bagay naman si Jen dun, e,

“At saka ang dami nang nagawa ni Jen na mga kori-Korean,” sambit nito.

CONFIRMED: Jennylyn Mercado is Dr. Maxine in DOTS PH

Para naman sa DongYanatics na naghihintay magkasama muli ang dalawa, paalala ni Marian na gagawa sila ng paraan para matupad ito.

“Huwag silang mag-alala dahil gagawa kami ni Dong ng paraan para magkasama kaming dalawa.

“Hindi man ngayon, siguro next year, sisiguraduhin naming magkakasama kaming dalawa.”

Dagdag pa nito, magbabalik telebisyon na siya simula ngayong Linggo sa Sunday PinaSaya.

“Sabi ko nga sa kanila, 'wag muna yung full-load kasi mangangapa pa lang ako.

“Kaya unti-unti muna,” pagtapos nito.

FIRST LOOK: Jennylyn Mercado starts taping for 'Descendants of the Sun' PH adaptation

Jennylyn Mercado on portraying Dr. Maxine: “I won't let you all down. Pangako.”