Showbiz News

READ: Kelvin Miranda, stressed ba sa dami ng kanyang projects ngayon?

By Felix Ilaya

Sunud-sunod ang projects at blessings para sa promising Kapuso actor na si Kelvin Miranda.

Kelvin Miranda

Kamakailan lang ay ginawaran siyang Best Actor sa 6th Urduja Film Festival para sa pelikulang The Fate.

Ngayon ay bibida naman si Kelvin sa upcoming Netflix Original na Dead Kids.

READ: Kelvin Miranda stars as the lead role in the upcoming Netflix Original, "Dead Kids"

Napapanood rin siya GMA shows na Madrasta at Sunday PinaSaya.

Maliban dito, mayroon pang ibang projects si Kelvin na sinusubukan niyang maipasok sa kanyang schedule.

Nai-i-stress na ba si Kelvin sa dami ng kanyang ginagawa ngayon?

"Sa 'kin, mas mai-i-stress ako 'pag walang ginagawa. Mas okay na sigurong mapagod kaysa 'yung mapagod ka kakahintay.

"Hindi natin masasabi kung hanggang kailan tayo nandito sa industriya kasi hindi naman talaga siya pampermanente, 'di ba?

“'Yung opportunity na dumadating, tinatanggap ko nang tinatanggap.

"Kung may problema sa schedule, pinipilit kong gawan ng paraan para makapag-comply ako sa lahat kasi gusto ko talaga gawin lahat," ayon kay Kelvin sa panayam sa kanya ng GMA reporters.

Sa dami ng kanyang projects, may hinihindian pa ba ang 20-year-old actor na mga role?

"Mayroon lang iba na nag-o-offer na hindi pa puwede sa ngayon kasi masyado pa akong bata.

"Mayroong may nudity, mayroong same-sex [relationship] na role, willing ako to do that pero 'di pa sa ngayon.

"Masyado pang maaga. Siguro pagdating ng panahon."

Kelvin Miranda, a movie star on the rise