Showbiz News

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, may pasilip sa kanilang CoLove concert

By Maine Aquino

Ipinasilip na ni Jennylyn Mercado ang kanilang paghahanda ni Dennis Trillo para sa CoLove concert.


Ang CoLove concert ay mula sa kanilang successful YouTube segment na gagawin nilang live ngayong February 15, 2020.

WATCH: 'CoLove' nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, dadalhin na sa concert stage

Kuwento ni Jennylyn sa kanyang post ay malapit na silang magbigay ng announcement sa kanilang concert ni Dennis.

Pero bago ang lahat, ipinasilip niya muna ang kanilang paghahanda ni Dennis.

"Bringing this to the stage real soon. Watch out for further announcements!"

Sa Instagram Story ni Jennylyn ay sinabi niyang gaganapin ang concert sa New Frontier Theater.

Abangan ang susunod na announcement nina Jennylyn at Dennis para sa kanilang concert.

WATCH: Jennylyn Mercado and Janno Gibbs remake their duet to "If I'm Not In Love"