Showbiz News

EXCLUSIVE: Ano ang reaksyon ni Klea Pineda sa hot photos ni Jeric Gonzales?

By Cara Emmeline Garcia

Hot na hot ang photos ni Magkaagaw star Jeric Gonzales sa kanyang latest campaign sa BENCH.

Klea Pineda

Kaya naman nang maitanong ang co-star nito na si Klea Pineda, napaurong sa hiya ang aktor dahil sa papuring naibigay nito.

“Ang hot! Grabe ang hot nung mga photos niya.

“Actually nakita ko na 'yun bago pa siya i-release kasi pinakita niya sa akin 'yun.

“Tapos sabi ko, 'Uy, congrats ha. I'm happy for you.'

“Isa 'yun sa mga achievements niya this year and sana tuloy-tuloy 'yun.”

LOOK: Jeric Gonzales brings on the heat in the latest underwear campaign

Naging viral kamakailan ang Kapuso actor dahil sa pinakita niyang abs habang suot-suot ang latest underwear collection ng clothing line.

Nang maitanong naman si Jeric kung bakit ito nahiya nang tanungin tungkol dito, sagot na lang niya: “Kaya nahihiya ako kasi holiday and Christmas na 'di ba?

“E, naka-brief ako!”

Maliban sa sunud-sunod niyang campaigns, kabilang si Jeric sa GMA Afternoon Prime Soap na Magkaagaw kasama sina Sunshine Dizon at Sheryl Cruz, mula Lunes hanggang Sabado.

EXCLUSIVE: Jeric Gonzales, aminadong nailang sa sexy scenes nila ni Sheryl Cruz

LOOK: Jeric Gonzales is the new face of local clothing brand