Showbiz News

EXCLUSIVE: Marian Rivera, ramdam ang Pasko tuwing CSID shoot

By Cara Emmeline Garcia

Ramdam na ramdam ni Kapuso Primetime Queen ang Pasko ngayong lumabas na ang Christmas Station ID ng network.

Sa naganap na shoot ng “Love Shines,” naibahagi ni Marian sa GMANetwork.com na na-inspire siya sa kuwento ni Ineng, ang bibong bata na sumali sa Wowowin.

Aniya, “Tuwing nagki-Christmas Station ID shoot, parang Ito na naman, nagpaparamdam na naman ang Pasko.

“Magpaparamdam na naman ang pagbibigay sa kapwa at pagmamahal sa kapwa.

“Ang maganda dito sa GMA, every time na may station ID palaging may kuwento na sapul sa puso palagi.

“So, ngayon taon ang sinurpresa namin ay si Ineng na sumali noon sa Wowowin at siya daw ay isa sa pinakamabait sa pitong magkakapatid.

Nang matanong kung anong ibig sabihin ng kanta para sa kanya, iisa lang ang sagot ng Kapuso actress, “Kahit siguro hindi Pasko, dapat busilak ang puso mo at dapat nagsa-shine siya araw-araw.”

EXCLUSIVE: Mark Bautista shares how he makes love shine this Christmas

EXCLUSIVE: Kyline Alcantara, excited na magbahagi ng pagmamahal sa Pasko