Showbiz News

LOOK: PH water polo team, pinusuan ng netizens

By Dianara Alegre

Nagbunyi ang taumbayan nang maging tabla ang sagupaan sa pagitan ng Philippine water polo team at Indonesia sa unang sabak nila sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games water polo competition sa The New Clark City Aquatic Center sa Capas Tarlac, nitong Martes, Nobyembre 26.

Pero bukod sa mahusay na performance ng mga atleta, pinusuan din ng netizens ang in-upload na larawan ng national team na naka-swimming trunks. Pinuri ng mga ito ang fit at maskuladong pangangatawan ng mga player.

Tutukan ang kapana-panabik na laban ng PH water polo team, mga Kapuso!

IN PHOTOS: Filipino athletes who are head-turners in SEA Games 2017

Bernadette Reyes, bumuwelta sa basher ng kanyang 2019 SEA Games live report